Killer ng 2 estudyante arestado

BAGUIO CITY, Philippines – Re­has na bakal ang binag­s­a­kan ng isang miyembro ng drea­ded gang na Pi­noy True Crips at sina­sabing pangu­nahing sus­pek sa pagpatay sa isang es­tudyante ma­ka­raang ma­aresto ng pu­lisya sa bi­sinidad ng Ba­rangay Happy Homes, Baguio City noong Bi­yernes ng hapon. 

Ang suspek na naitala ng pulisya bilang most wanted person ay naki­lalang si Roderick “Jawo” Cara­monte, 18.

Ayon kay P/Chief Insp. Engelbert Soriano, hepe ng station 7, ang suspek na may nakabinbing ka­song kriminal sa RTC 59 at RTC 60 sa Baguio City, ay si­nasabing sumaksak at nakapatay kay Char­maigen Valerie Calpito, 15, sa ka­habaan ng Le­garda Road noong Nob­yembre 15, 2008.

Ang brutal na pagpatay kay Calpito at ang luma­lang patayan sa Baguio City ay umani ng batikos mula sa mga residente partikular na ang mga negosyante.

 “His arrest is a big sigh of relief for us,” pahayag ni Baguio police spokesman SPO3 Viyo Hidalgo,

Bago maaresto si Ca­ra­monte, isa pang mi­yembro ng gang na si Kenneth Sacyang, 18, ay nasakote na rin ng pulisya kung saan nakasuhan ang da­lawa sa pagpatay sa isa pang es­tudyante na si Al­bert San­tos, sa kahabaan ng Upper Session Road noong Hulyo 16, 2007.

Si Caramonte ay positi­bong itinuturo ng mga saksi na isa sa limang miyembro ng gang ang sumaksak kay Santos. Artemio Dumlao

Show comments