Barbero tinodas sa harap ng kanyang asawa

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang bar­bero ang pinagbabaril at na­patay ng may-ari ng isang wel­ding shop habang kinuku­ha ng una ang pina­gawa nitong upuan sa huli sa Ba­ rangay Kinamaligan, Masbate City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Julian Espenilla, 37, may asawa, ng Sitio Matungao, Ba­rangay Tugbo, sa natu­rang lunsod.

Nadakip naman ng pu­lisya ang suspek na si Ko­noy Pre­ sado, 23, binata, resi­dente ng Presado Com­pound ng na­tu­rang ba­rangay.

Lumilitaw sa pangu­nang imbestigasyon na kasama ni Espenilla ang kan­yang asa­ wa nang pun­tahan niya ang welding shop ni Presado para kunin ang pinagawa niyang silya nang bigla siyang pagba­barilin ng suspek. (Ed Casulla)

Show comments