Misis ni-rape, pinatay ng 3 rugby boys

SAN JOSE DEL MON­TE CITY, Bulacan, Philippines – Tat­long rugby boys ang ina­resto ng pulisya mata­pos na gahasain at pata­yin ng mga ito ang 17-anyos na misis kamaka­lawa ng hapon.

Ang biktimang si Ja­nine San Antonio, resi­dente ng UC-4 Blk. 4, Brgy. Citrus, San Jose Del Mon­te ay natagpuan sa isang madamong semen­teryo na patay na at basag ang mukha, wala ng panty.

Habang ang mga sus­pek na sina Kenjie Bocboc, 22, binata, kapatid nitong si Kenly Bocboc, 19, kapwa residente ng RC-10, Brgy. Citrus at Jaypee Navales 21, binata, residente ng Blk. 2, Lot 22, Brgy. Ba­gong Buhay 1, sa siyudad ding ito ay nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya mata­pos na ituro ng isang saksi na sila ang res­ponsible sa pagpatay at panggagahasa sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, ang biktima ay uma­lis ng kanilang bahay da­kong alas-5:00 ng hapon para bumili ng gatas ng anak nito ngunit hindi na naka­balik pa, dahilan para ha­napin ito ng kanyang ka­­anak hanggang sa makita sa nasabing sementeryo.

Inamin naman ng tat­long suspek na napag­tripan nila ang biktima at napilitang patayin ito ng sila ay makilala. Nabatid na bangag sa rugby ang mga suspek. (Boy Cruz)

Show comments