2 off'l ng AFP, 11 pa sinibak

MANILA, Philippines – Sinibak sa puwesto ang kumander ng Philippine Army habang isinailalim naman sa restricted custody ang isang tinyente at iniim­bestigahan ang 11-iba pang sundalo matapos masang­kot sa kaguluhan na ikina­sawi ng isang pulis at da­lawang sibilyan sa Brgy. Tibal-og, sa bayan ng Sto. Tomas, Davao del Norte noong Miyerkules.

Ayon kay Army’s 10th Infantry Division Commander, Major General Reynaldo Ma­pagu, si Lt. Col. Victor Tan ng Army’s 72nd Infantry Battalion ay sinibak sa puwesto alinsunod sa pinai­iral na command responsibility sa katiwalian ng mga tauhan nito.

Itinalagang kapalit ni Tan si Lt. Col. Leopoldo Imbang, ex-executive officer ng Army’s 1001st Infantry Brigade.

Bukod sa pagsibak ay isasailalim sa restricted custody si Lt. Eriberto Sangga­lang habang ang 11 iba pang sundalo ang ini­imbes­tigahan.

Nag-ugat ang kaguluhan matapos na magpasimuno si Sanggalang na sapilitang kinuha ang bangkay ng kasamahang sundalo na si Corporal Arnold Toriano na napatay nang makipagba­rilan sa mga pulis dahil sa pamamaril at pagkakapatay kina Kagawad Arnel Con­cen­cino, Deding Biangke, driver ng Terminal Facilities and Services Corporation at kay PO2 Fritz Rasonabe.

Napag-alaman na ma­ging ang patrol car ng Sto. Tomas PNP ay hinagisan din ng granada ni Toriano kung saan tinawagan nito si Sanggalang at sinabing napa-engkuwentro ito sa mga armadong kalalakihan. - Joy Cantos


Show comments