Tensiyon sa Imus pinahupa

MANILA, Philippines – Sa opisina ni Senador Bong Revilla, nagpulong ang mga lider ng Muslim na naka­ base sa Cavite upang bura­hin ang tensyon sa bayan ng Imus kung saan naganap na barilan ng dalawang angkan na kumitil ng tatlong kamag-anak ng senador at tatlong iba pa.

Kabilang sa dumalo sa pag­pupulong ay ang mga opisyal ng Office on Muslim Affairs (OMA), kung saan pinabulaanan nila ang usap-usapan na may balak ang Mus­­ lim community na gu­manti laban sa mga Bautista. 

Tiniyak naman ni Sen. Re­villa na wala silang inten­syon na ilagay ang batas sa kani­lang mga kamay at ipi­nau­ba­ya na nila ang kaso sa pulisya, partikular na ang pag­tugis sa mga pumaslang ng kanyang  pinsang-buo, dalawang pa­mangkin at kanilang driver.

Sumaksi sa pagpupulong ay si Regional Director Bae Sinab Dimaampao ng OMA habang ang mga lider ng Muslim community naman ay sina Sultan Lanie Esmael, Hadji Malic Bauda, Hadji Macaagal, Hadji Jamil Guro, Rakman Macasilang at si Sultan Esmael na tumata­yong pinuno sa Cavite.

Kabilang sa mga nasawi sa shootout noong Hunyo 21 na nagsimula lang sa alitan sa trapiko ay ang mag-amang sina Mahmod Sultan at Sowaib Salie, ang mag-aamang sina Raul Bautista, Raffy at Richie Allen Bautista, at ang drayber na si Michael Salanguit. - Malou Escudero 


Show comments