A(H1N1) doctor itinumba

MANILA, Philippines – Tinambangan at napatay ang isang doctor ng Department of Health na sinasabing pangunahing tumututok sa kaso ng A(H1N1) virus sa panibagong karahasang na­ga­nap sa Brgy. Cabantian sa Buhangin District, Davao City noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ng pulisya ang na­­paslang na si Dr. Rogelio Peñera, team leader ng surveillance and monitoring ng A(H1N1) virus sa Southern Min­danao. Base sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, lulan ng kotse ang bik­tima, habang papasok sa Coun­tryville Village Compound nang ratratin ng mga di-pa kilalang kalalakihan. Kasama ni Peñera ang anak na si Leany, 15, na tinamaan naman ng bala sa braso. - Joy Cantos


Show comments