BULACAN, Philippines — Aabot sa 424 sakong charcoal na sinasabing walang kaukulang papeles mula sa Department of Natural Resources ang nasamsam ng mga tauhan ng 306th Police Mobile Group kung saan naaresto ang apat-katao sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi. Inimpound naman ng pulisya ang Izusu truck (UMM 348) na naglululan ng uling at inaresto sina Ronald Fernandez, Marissa Calma, Gerard Gonzales, Denmark Busalpa, at isang menor-de-edad na pawang mga nakatira sa Brgy. Rio Chico, Gen. Tinio. Dadalhin sana ang kontrabando sa Maynila nang masabat sa PNP checkpoint. - Boy Cruz at Dino Balabo