Mag-asawa nilikida

MANILA, Philippines - Napatay ang tumatayong officer-in-charge  administrator ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at mister nito matapos pagbabarilin ng dalawang kalalakihan habang naghahapunan sa kubo sa Naga, Cebu noong Sabado.

Kinilala ang napatay na mag-asawang sina (ret.) Col. Francisco Arada, 60; at Mary Jane Arada, 59, OIC ng PEZA.

Sa follow-up operation, naaresto naman ang dalawang suspek na nagawa pang tukuyin ng misis bago ito binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital na sina Rachel Omawan, at Rudynas Danding na kapwa sekyu ng Jantro Security Agency.

Nabatid na kinasuhan ni Arada ang dalawang sekyu at inilipat ng destino sa Brgy. Cantao-an kung saan ang misis ang sinisisi ng mga guwardya.

 Itinanggi naman ng dalawang guwardya na may kinalaman sila sa krimen pero ayon sa pulisya ay mahirap balewalain ang binitiwang pahayag ng taong mamamatay na. (Joy Cantos)

Show comments