NPA kumander, 1 pa todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang kumander ng rebeldeng New People’s Army at isa pang tauhan nito ang iniulat na napaslang makaraang makasagupa ang tropa ng 3rd Scout Ranger Battalion ng Phil. Army kahapon ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Sogod, Bacon District, Sorsogon City.

Kinilala ang napatay na si Kumander Raul “Riboy” Halog ng FC 79 SDG na may operasyon sa mga bayan ng Donsol, Pilar, Castilla at sa Sorsogon City, habang inaalam pa ang pagkikilanlan ng isa pa.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang baril at anim na backpack na naglalaman ng mga subersibong dokumento. (Ed Casulla)

Show comments