Kolumnista inambus, dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa na namang newsman ang naging biktima ang extrajudicial killing ma­tapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding assassin noong Araw ng Kalayaan sa kahabaan ng highway sa Purok 1, Ba­rangay Marcella sa bayan ng Uson, Masbate. Napag-ala­mang papa­uwi na si Antonio Atabay Castillo, 45, nang ratratin kung saan sumeplang pa ang motorsiklo nito. Naisugod pa sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang kolumnista ng lokal na di­yaryo na Bigwas subalit idineklarang patay. Ayon sa police report, dumalo muna ang biktima sa Masbate City Hall bilang paggunita ng ika-111anibersaryo ng Kalayaan bago umuwi sa Brgy. G. Alino sa bayan ng Di­masalang. May teorya ang pulisya na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang kri­men. - Ed Casulla


Show comments