Bunso tinodas ni kuya

PANGASINAN, Philippines – Pinaniniwalaang matinding alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagpapalo hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na biyudo ng kanyang nakatatandang kapatid sa Barangay Primicias sa bayan ng Bautista, Panga­sinan, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nemesio Cacalda, 47, samantalang naaresto naman ang suspek na si Onofre Cacalda, 56. Lumilitaw sa imbes­tigasyon ng pulisya, na kapwa nakainom ng alak ang mag-utol nang magka­sigawan kaugnay sa matagal na nilang hid­waan na sinasabing may kinalaman sa lupain. Agad hinataw sa ulo ng suspek ang kanyang kapatid at kaagad na nag­kikisay at namatay. Labis naman nagsisisi ang suspek sa nagawa sa kanyang utol. - Cesar Ramirez


Show comments