3 tiklo sa pekeng dolyares

MANILA, Philippines – Tatlo-katao kabilang na ang isang Hapones na sina­sabing miyembro ng counterfeit syndicates ang dinakma ng pulisya sa isinagawang entrapment operation sa loob ng kilalang fast food chain sa Barangay Pajo sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa. Pormal na kakasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Nakaya Takashi, 60, ng Brgy. Gua­dalupe, Cebu City; Rudy Ybañez, 68 at ang asawang si Gloria Ybañez na kapwa naninirahan sa Mandaue City. Na­kum­piska sa tatlo ang 103 pirasong pekeng US dollar kung saan ipinagbibili at ipinakakalat sa nabanggit na lungsod. - Joy Cantos


Show comments