Killer ng Red Cross executive tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang suspek sa pagpatay sa isang opisyal ng Philippine National Red Cross ang nadakip sa mag­kakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Tacurong City, Sultan Kudarat at Ki­dapawan City, North Cota­bato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Nondo Mokamad alyas Erik at Michael Usi alyas Fatok/Aratuc.

Ayon kay Superintendent Josefino Cataluna, hepe ng Police Provincial Office 12, inamin ni Moka­mad na ito ang bumaril at nakapatay umano sa bik­timang si Bai Aleta Sin­ suat.

Si Sinsuat, 67-anyos, ay miyembro ng board of trus­tees ng PNRC sa Maguin­danao at Cotabato City nang paslangin sa Mother Poblacion, Cotabato City noong Hunyo 6 ng taong kasalukuyan. (Joy Cantos)

Show comments