Dating kapitan tinodas

Batangas, Philippines – Isang dating barangay captain ang binaril at napatay ng ilang lalakeng nagpanggap na pasahero ng isang jeepney sa Barangay Sampaga, Balayan sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga. Nakilala ang biktima na si Quirico Bautista, 34-anyos, residente ng Barangay Coral ni Lopez, Calaca, Ba­tangas. Lumitaw sa imbestigasyon na lulan si Bautista sa pampasaherong jeepney kasama ng ilan niyang kabarangay na sinasamahan niya sa pagtungo sa opisina ng Commission on Elections nang barilin sila ng isa sa tatlong suspek na nagpanggap na pasahero. Mabilis na nakatakas ang mga salarin pagkatapos ng insidente. (Arnell Ozaeta)


Show comments