Rebel returnee dinukot

CEBU, Philippines – Pinaniniwalaang dinukot ng mga armadong kalala­kihan ang isang rebel returnee sa bayan ng Laak, Compostela Valley kamakalawa. Kinilala ni Lt. Col. Kurt Decapia, chief ng Public Affairs ng Army’s 10th Infantry Division, ang  biktima na si Rey Mundas. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas 5 ng umaga nang dukutin ng mga rebeldeng New People’s Army sa pamumuno ni Ka Rene, secretary ng Section Committee 2 ng Southern Mindanao Regional Committee, ang biktimang nagbalik-loob sa pama­halaan sa tahanan nito sa KM 9, Brgy. Datu Davao, Laak. Sa pahayag ng mga testigo, sinabi ni Decapia, pinagsisipa, pinagsusuntok ng mga rebelde, ang biktima ng tumanggi itong sumama sa kaniyang mga dating kasamahan. Ang mga rebelde ay tumakas pa­tungo sa direksyon ng Brgy. Mancanitas, Loreto, Agusan del Sur. - Joy Cantos


Show comments