Mag-ina sinalpok ng kotse

CAMARINES NORTE, Philippines – Isang 15-anyos na babae ang kumpirmadong namatay habang malubha naman ang ina nito matapos salpukin ng kotse ang kanilang motorsiklo sa intersection ng San Vicente Road at Diversion Road sa Maharlika Highway, Brgy Lag-On, Daet, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rochelle Grijalvo, 2nd year student ng Camarines Norte College at naisugod naman sa ospital si Sally Grjalvo, 37, kapwa naninirahan sa Brgy Tulay na Lupa sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Pormal naman kakasuhan ang drayber ng Isuzu Hi-Lander (WLW 110) na si Danilo Santos, 56, ng Purok 5, Brgy. Borabod, Daet. - Francis Elevado


Show comments