BAGUIO CITY, Philippines – Isang pulis na tumatayong close-in bodyguard ni Bacarra Mayor Nicomedes dela Cruz ang sinalubong ni kamatayan noong Huwebes makaraang ratratin sa harapan ng cockpit arena sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.
Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni PO3 Juanito Sagayaga na naglalakad sa harapan ng sabungan kasama ang kanyang grupo.
Napag-alamang si Sagayaga ay umaktong proxy ni Mayor dela Cruz isa sa sponsor sa ginanap na derby sa sabungan.
Naaresto naman ang suspek na sumasailalim sa paraffin test subalit pansamantalang itinago ang pagkikilanlan ni P/ Senior Supt. Benjamin Lusad habang hindi pa isinasampa ang kaukulang kaso.
May teorya ang mga imbestigador na may matinding personal na alitan ang suspek at biktima ang isa sa motibo ng pama maril.
Dahil sa naganap na insi dente, masusing pag-aaralan ng mga opisyal ng pulisya ang implementasyon ng polisiya sa mga police escort ng mga politiko na tumatayong proxy sa mga cockpit arena at iba pang entertainment establishment. - Artemio A. Dumlao