Lider militante itinumba

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang lider militante habang su­gatan naman ang dala­wang iba pa sa panibagong karahasan noong Sabado ng madaling-araw sa ba­yan ng Sumilao, Bukidnon.

Napuruhan ng bala ng shotgun sa tiyan si Renato Peñas, 51, vice president ng Pakisama, isang orga­nisasyon ng militanteng magsasaka (Sumilao farmers) sa Bukidnon. 

Patuloy namang gina­gamot sa provincial hospital ng Bukidnon ang mga sugatang sina Eliezer Peñas at Samson Doliete. 

Samantala, sa loob la­mang ng 9-oras, naaresto ng pulisya ang itinuturong suspek na si Alipio Tu­man­ day ng Bgy. San Vi­cente, ma­tapos ang follow-up ope­ration ng pulisya sa Brgy. Maluko, Manolo For­tich, Bukidnon bandang alas-10:45 ng umaga kaha­pon

Ang suspek ay positi­bong nakilala ng isa sa mga saksi na siyang bu­maril kay Peñas.

Base sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, lumilitaw na magka­kaangkas  ang mga biktima sa motorsiklo  na buma­bagtas sa maputik at pa­kurbadang highway ng Brgy. San Vicente nang ratratin ng mga di-pa kila­lang kalalakihan.

Napag-alamang si Pe­ñas ay kabilang sa mga magsa­saka na nangunang mag­kilos-protesta kaugnay ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform o CARPER na naipasa na sa Kamara de Representantes kamaka­ilan lamang.. - Joy Cantos


Show comments