2 katao dedo sa karahasan

CAVITE, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na na­paslang sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bayan ng Das­marinas, Cavite, kamakalawa ng gabi. Si Hardy Pa­ng­ilinan, 40, ng Brgy. Sampaloc 4 ay pinagbabaril ha­bang naglalakad sa bisinidad ng Makati Drive sa nabanggit na barangay. Samantala, si Mark Anthony Fronto, 25, ng Brgy San Agustin 1, ay niratrat sa wai­ting shed sa harapan ng isang universidad sa Brgy. Sampaloc 1, Dasmarinas, Cavite. - Cristina Timbang

Show comments