3 kawatan dinakma

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlong miyembro ng notoryus na robbery holdup gang sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Superintendent Manolito Labador, Laguna police director, ang mga suspek na sina Alex Alcantara, Jonathan Basilia at si Leo Almeda na sinasabing pinagnakawan ang Ivy-Abe convenience store nang halagang P33,700. Ayon sa ulat, ikinanta nina Alcantara at Basilia ang kuta ni Almeda kahapon kaya inaresto rin. Napag-alamang nagpanggap na mga pulis ang tatlo bago pagnakawan ang tindahan. Narekober mula sa tatlo ang ninakaw na pera, patalim at isang teaser. - Arnell Ozaeta


Show comments