'Kolektor' ng NPA, tiklo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng Isang 19-anyos na lalaki na sinasabing nagpanggap na kolektor ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang maaresto ng pulisya kamakalawa sa bisinidad ng Barangay Tagbong sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jino Desalisa ng Barangay Kinalabasahan sa bayan ng Bula, Camarines Sur. Ayon sa pulisya, nakilala ng mga residente ang suspek matapos mangolekta ng revolutionary tax sa ilang residente kaya naipagbigay-alam kaagad sa awtoridad. Ed Casulla

Show comments