Western Union nilooban

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tinatayang uma­abot sa P.6 milyong cash ang natangay ng grupo ng Acetylene gang makaraang pasukin ang lokal na sangkay ng Western Union sa bayan ng Goa, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Base sa police report, winasak ang bubungan ng gusali ng nabanggit na lugar bago ginamitan ng acetylene at hydraulic jack ang safety vault para makuha ang nasabing halaga kabilang na ang US$900. Ed Casulla

Show comments