Shootout: Cop killer dedo

BATANGAS, Philippines – Napaslang ang isang 49-anyos na lalaki na sinasabing cop killer matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa bisinidad ng RR Alley sa Brgy. Poblacion 7 sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, isisilbi sana kay Danilo “Dakne” Erlano, ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Arcadio Manigbas ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 6 nang makipagbarilin ito sa pulisya. Sa record ng pulisya, si Erlano ay sinasabing nakapatay kay PO1 Avelito Villanueva noong 2006 sa Tanauan City, Batangas. Arnell Ozaeta

Show comments