Court sheriff nilikida

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang sheriff ng Bacolod City Regional Trial Court sa isa na namang karaha­sang naganap noong Miyerkules ng madaling-araw sa bayan ng Silay, Negros Occidental. Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng puting Toyota Corolla ang bikti­mang si Sergio Tabusares, 48, nang barilin ng dalawang ulit sa ulo ng ’di-pa kilalang lalaki. Pinaslang ang biktima sa loob ng kotse at iniwan sa gilid ng highway malapit sa Teresita Jalandoni Memorial Hospital. - Joy Cantos


Show comments