LEGAZPI CITY, Philippines — Nauwi sa madugo ang masayang inuman ng mag-uutol na lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng kanilang bisita sa naganap na karahasan kamakalawa ng gabi sa Purok 3, Barangay San Isidro Iraya sa bayan ng Malilipot, Albay. Nasa malubhang kalagayan ngayon at ginagamot sa Cabredo General Hospital sa Tabaco City ang mga biktimang sina Chistopher Buag, Tomas Buag at si Melchor Buag, habang pinaghahanap naman ang mag-uutol din na suspek na sina Jonathan Borque, Chistopher Borque at si Tomtom Borque na pawang residente ng Barangay Cabangan, Tabaco City. Sa police report, lumilitaw na naging bisita ng mga biktima ang mag-uutol na suspek sa kanilang kapistahan.
Gayon pa man, habang magkakasalong umiinom ng alak ay napikon sa pagbibiro ng mga biktima ang mga suspek kaya humantong sa pananaksak. Ed Casulla