2 drug courier dinakma

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Da­lawang kalalakihan na sina­sabing notoryus drug courier ang inaresto ng pulisya at mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agen­cy sa isinagawang buy-bust operation sa ba­yan ng Isulan, Sultan Ku­darat, kahapon ng tanghali. Pormal na kina­suhan ni P/Senior Supt. Benhur Mon­gao, provincial director ng  Sultan Kudarat, ang mga suspek na sina Niel Pinzon Villadarez, 43; at Roldan Bartolome Avileterio, 43, kapwa residente ng Baran­gay Kal-Dos. Na­samsam sa mga suspek ang marked money na ginamit sa buy-bust, ilang sachet ng shabu at iba pang gamit sa pagbebenta ng illegal na droga. Malu Manar 


Show comments