3 minasaker, 2 dedo sa amok

BACOLOD CITY, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na minasa­ker ng mga ’di-pa kilalang ka­lalakihan sa loob ng kanilang bahay noong Lunes ng gabi sa Kaban­kalan City, southern Ne­gros habang dalawa na­man ang nasawi kabilang na ang precinct comman­der sa naganap na karaha­san sa bayan ng Hinobaan sa Ne­gros Occidental.

Kabilang sa mga bikti­mang pinagtataga hang­gang sa mapatay ay sina Elmer La­ mera, 20; ang kanyang half-brother na si Crispino Florendo Jr., 15 at si Christine, 10, pa­wang naninirahan sa Brgy. Tam­palon, Kabankalan City.

Samantala, nagbuwis ng bu­hay ang isang police precinct commander ha­bang na­paslang naman ang nag-amok na lalaki na ikinasugat din ng tatlo-katao sa Brgy. Cu­lipapa sa bayan ng Hinobaan, Ne­gros Occidental noong Martes ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rico Santotome Jr., spokes­man ng Negros Occiden­tal Provincial Police Office, ang nasawing pulis na si SPO1 Joel Mante, police precinct commander ng Hino­baan PNP. 

Si Mante ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo mata­pos maagaw ang kanyang M16 rifle nang nag-amok na si Re­mus Singson.

Napatay naman si Sing­son matapos na mabaril ni PO2 Roger Ian Embarque na nagresponde sa insi­dente.

Nabatid na nagres­ponde ang grupo ni Mante kasama sina PO2 Marlon Catubig, PO1 Ian Roger Embarque, at dalawang brgy. tanod sa pananaga ng suspek kay Henry Ber­nales.

Gayon pa man, papa­sok pa lamang ang pulisya sa nasabing lugar nang agawin ng suspek ang M16 assault rifle ni Mante at iputok mismo sa kanya.

Nasugatan rin sa amok ang dalawang bata na sina Marimar Claro, at Maricel Claro. - Antonieta Lopez at Joy Cantos


Show comments