Mag-iina pinagtataga

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-iina matapos na pagtatagain ng isang lalaking na sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa Davao City noong Huwebes.

Sa naantalang ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame kinilala ang mga biktima na sina Nelly Diampas, 46; Lady Heart Diam­pas, 7; at si Jessie Diampas, 4, pawang naninirahan sa Sitio Kiagkao, Brgy. Suawan sa Marilog District. Napag-alamang pauwi na ang mag-iina nang makasalubong at pagtatagain ng suspek na si Celio Imawan.

Matapos mahimasma­san ay sumuko naman ang suspek kay Brgy. Chairman Teodoro Amoy ng Brgy. Suwawan na siyang nag turn-over sa pulisya. (Joy Cantos)

Show comments