Tsinoy trader kinidnap

MANILA, Philippines - Isa na naman negosyanteng Tsinoy ang iniulat na ki­nid­nap  ng mga armadong kalalakihan noong Huwebes ng gabi sa bisinidad ng Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguin­da­nao. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christopher Yap, 28. Batay sa ulat ni P/Chief Supt. Bensali Jabarani, isinakay ng kulay puting Toyota Lancer ang bik­tima bago dinala sa direksyon ng Cotabato-Davao City highway. Naglunsad na ng malawakang search and rescue operations ang pinagsanib na tropa ng 15th Regional Mobile Group at Army’s 603rd Brigade para mabawi ang negosyante. Joy Cantos

Show comments