Umawat sa away napatay

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isang 33-anyos na magsasaka na sinasabing umawat sa away ng kanyang kapatid ang sinaksak at napatay kamakalawa ng gabi sa Sitio B’laan, Purok Balite sa Brgy. Malinan, Kidapawan City.

Dalawang saksak sa tiyan ang tumapos sa buhay ni Lemuel Albano ng Barangay Malinan.

Tugis naman ng pulisya ang sus­pek na si Tata Neri ng Sitio Manobo, Brgy. Malinan.

Sa police report, lumilitaw na umawat lamang sa away ang biktima kung saan sangkot ang kanyang utol nang ma­pagbalingang saksakin ng suspek. (Malu Manar)


Show comments