CAPIZ, Philippines – Apat-katao na nakumpiskahan ng iba’t ibang uri ng baril ang naaresto ng mga tauhan ng 60thh, 604th Police Provincial Mobile Group sa isinagawang pagsalakay sa tatlong bahay sa Barangay OngolIlaya sa bayan ng Dumarao, Capiz kahapon.
Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Jesus Ricardo, Eduardo Cruzada, Victorino Ricardo at Joey Ricardo.
Ayon sa police report, sa bisa ng search warrant na inisyu ng mababang korte, sinalakay ang tatlong bahay sa Brgy. Poblascion at Brgy. Ongol sa Cuartero at nasamsaman ng mga baril at iba’t ibang uri ng bala ang mga suspek. Verna Belarmino