2 utas sa rambol sa bar

LEGAZPI CITY, Philippines ­— Da­la­wa-katao ang iniulat na napaslang sa naganap na rambulan sa loob ng vi­deoke bar kamakalawa ng hapon sa Purok 4, Ba­ra­ngay Binatagan, Ligao City. Kapwa idineklarang patay sa Josefina Belmonte Du­ran Memorial District Hospital sina Alvin Apodaca at Santos Pula.

Base sa police report, lumilitaw na lango na ang biktima ka­sama ang ilang kaibigan sa loob ng Video Sinko Bar kung saan nasa kalibang lamesa ang grupo ng sus­pek. Pinaniniwa­laang na­ga­lit ang grupo ng mga sus­pek dahil sa sin­tuna­dong pagkanta ng gru­po ng biktima kaya na­ganap ang pamamaslang. Ed Casulla

Show comments