LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Sitio Francia sa Barangay May – Ogob, sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur. Napuruhan ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Chairman Edmundo Ibasco ng nabanggit na barangay. Base sa police report, nanonood ng sayawan sa basketball court ang biktima nang lapitan at pagbabarilin. Ed Casulla