MANILA, Philippines - Nasagip kahapon ang 42 miyembro ng rescue and retrieval team na naistranded dahil sa baha sa Baggao, Cagayan habang tumutulong sa paghahanap sa mga biktima ng pagbagsak ng isang Chemtrad plane sa naturang lugar noong Abril 14.
Sinabi ni Police Regional Office 2 Director Chief Superintendent Roberto Damian na ligtas na nailipad sa Tugue garao City ang mga rescuer.
Lima sa mga ito ay dinala sa ospital matapos na magtamo ng sugat sa paa bunga ng matatalim na bato sa bundok sa landing site ng helicopter.
Nakuha sila ng mga ta uhan ng Philippine Air Force.
Bunga ng masamang panahon, hindi nagawang balikan kaagad ng mga helicopter ang mga rescuer kung saan ay ilang araw ang mga itong stranded sa lugar. (Joy Cantos)