CLARK FREEPORT, Pampanga, Philippines – Anim na retiradong sundalo ng Philippine Navy na sangkot umano sa Oakwood mutiny sa Makati City noong 2003 ang nadakip ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration sa Eagle’s Firing Range dito kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Angeles Police Chief Senior Superintendent Pierre Bucsit na dinala sa kanyang tanggapan sa Camp Tomas Pepito sa Angeles City ng mga tauhan ng PAOCC ang anim na dating sundalo.
Sinabi pa ni Bucsit na, batay sa natanggap ni yang impormasyon, ang anim ay sangkot sa pag-aaklas laban sa pamahalaan ng mga rebeldeng sundalong miyembro ng Magdalo na nagtipun-tipon sa Oakwood Hotel sa Makati City.
Tumanggi ang pulisya na banggitin ang pangalan ng mga suspek.
Inaresto rin sa naturang lugar ng mga tauhan ng BI ang New Zealander na si Arthur Joseph Newman pero hindi malinaw kung kilala niya ang nabanggit na mga dating sundalo.
Sinasabi lang ng BI na si Newman na dinala na sa Maynila ay gumagamit ng pasong passport. (Ding Cervantes at Joy Cantos)