Mister todas sa holdaper

CAVITE, Philippines ­ — Isang 52-anyos na mister ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan sa naganap na madugong holdapan kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Barangay Tulay B, sa bayan ng Maragondon, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Robert Paraiso ng Brgy. Caluwangan, Magallanes, Cavite habang ma­lub­hang nasugatan sina Armando Ramos ng Brgy. Kaylangis at Meliton Palon ng Brgy. Bukal 2. Ayon sa police report, lulan ng pam­pasaherong van (DRA 815) ang mga biktima nang ha­rangin at holdapin ng mga armadong kalalakihan. Lumilitaw sa im­bestigasyon na nanlaban ang mga biktima kaya napilitang pagbabarilin ng mga holdaper. Kaagad na tumakas ang tatlo kung saan kinulimbat ang motorsiklo na pag-aari ni Randy Lim.

Cristina Timbang

Show comments