Bus hulog sa bangin: 2 dedo

MANILA, Philippines – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi habang 30 iba pa ang nasugatan matapos mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na banging sakop ng Sitio Maalsom sa Barangay Bu­ say, Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay isang bata at matandang lalaki na pawang inaalam pa ang pagkakakilanlan habang isinugod naman sa ospital ang mga nasugatang biktima.

Napag-alamang patungo  sa Cebu City ang bus mula sa Brgy. Sambag Uno nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng bus. Kaagad na dumausdos pabu­­lusok sa malalim na bangin ang bus na ikinasawi at ikinasu­gat ng mga biktima. (Joy Cantos)


Show comments