Bisor utas sa ambus

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang field supervisor ng Dole Stanfilco Company ng ‘di-pa nakilalang lalaki kahapon ng umaga sa bisinidad ng Sitio Burlasa sa Brgy. Lambontong sa bayan ng Suralla, South Co­tabato. Kinilala ni P/Senior Supt. Robert Kuinisala, ang biktima na si Joemelito Buhagao Seballo, 46. Kasa­lukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. Joy Cantos

Show comments