4 sugatan sa bus blast

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Apat na pasahero ang iniulat na nasugatan matapos sumabog ang sinasakyan nilang bus sa harap ng department store sa Barangay Poblacion sa Kabacan, North Cotabato, kahapon.

Base sa police report, sumabog ang improvised explosive device sa likurang bahagi ng Rural Transit Bus na may plakang KVS 700 habang binabaybay ang highway patungo ng public terminal sa Poblacion.

Ito na ang ikalawang pagsabog na naganap sa Southwestern Mindanao kahapon, ayon sa report. Naunang pina­sabog ang Maria Cristina Bridge na nagdudugtong sa Iligan City at Lanao del Norte. Dahil sa lakas ng pag­sabog, halos nawasak ang isang bahagi ng tulay, ayon sa report. Simula kanina, ‘di-pinapayagan ang mga motorista na dumaan sa nabanggit na tulay. Malu Manar


Show comments