Pulis grinipuhan ng bangkero

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang pulis matapos na masaksak ng isang senglot na bangkero sa Brgy. Sabang, Puerto Galera, Oriental Mindoro kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si PO3 Ruel Reyes, nakatalaga bilang team leader ng Puerto Galera Police Assistance Center. Ayon sa report, nagpapa­trolya ang grupo ni Reyes nang mamataan nila ang suspek na si Marlon Aclan na nanggugulo kasama ang dalawa pang bangkero na sinasabing senglot.

Nagalit ang suspek sa paninita ni PO3 Reyes kaya naganap ang krimen Mabilis na isinugod sa St. Patrick Hospital sa Puerto Galera si PO3 Reyes at dahil sa maselang operasyon ay inilipat sa Golden Gate Hospital. Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek kabilang din ang mga kasamahan nitong sina Robert Ramirez at Rosendo Cleofe. Arnell Ozaeta


Show comments