Rescue team sa Chemtrad, nagkakasakit na rin

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Matapos matag­puan ang bumagsak na Chemtrad aircraft noong Martes sa kabundukan ng Sierra Madre ay nagka­kasakit at gutom ang dina­danas ng rescue team dahil sa kakulangan ng pagkain at gamot na ma­ilapag sa kagubatan ng Brgy. San Miguel sa bayan ng Baggao.

Ilang araw nang pa­balik-balik ang dalawang chopper kung saan na­mataan ang eroplano su­balit bigo silang mapasok ang lugar dahil sa sobrang lakas ng hangin at kapal ng ulap sa nasabing kagu­batan.

Pinag-aaralan sa nga­yon kung gagawa ang mga rescue team ng landing site sa gitna ng kagubatan o bu­buhatin na lang ng mga rescue team ang mga bangkay na matagpuan sa bumagsak na eroplano.

Ayon pa sa ulat, ilan sa mga ground rescue team na kinabibilangan ng mga katutubong volunteer mula sa Kalinga at tropa ng militar na unang nakakita sa bumagsak na eroplano ay nagkakasakit na rin matapos maubusan ng pagkain at mga gamot dahil sa hindi maka-landing ang mga chopper na mag­bibigay ng kanilang panga­ngailangan.

Matatandaan na nag-takeoff ang eroplano noong Abril 02 sa Tuguegarao Airport sa Cagayan sakay ang mga pasaherong sina SPO2 Rolly Castaños, Celestino Salacup, Abelar­do Baggay, Joel Basilio, James Bakilan, pilotong sina Capt. Tomas Z. Yañez at si Capt. Reiner Ruiz, subalit hindi na na­karating sa destinasyon. Victor Martin


Show comments