Tumakas sa ospital

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang preso ang nagawang makatakas mula sa kanyang mga bantay habang nagpapagamot sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City kahapon ng madaling-araw.    

Nakilala ang suspek na tumakas ay si Charliewin Sese, 30, may asawa at residente ng PC Camp Site, Ba­rangay Ibingay ng naturang lungsod.    

Nakatakas si Sese bandang ala-1:00 ng madaling araw nang isinugod siya sa ospital ng isang guwardiyang si PO1 Furlay Arcega dahil sa pananakit ng ulo nito habang ito ay nakabilanggo sa Masbate City Jail.   

Habang ginagamot, bigla na lamang nagpaalam si Sese sa nurse na gumagamot sa kanya at naglaho na parang bula ang suspek sa pagamutan at hindi na nakita pa ng nurse. (Ed Casulla)

Show comments