MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang walong iba pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan ang truck na pag-aari ng kooperatiba sa bayan ng Lantawan, Basilan kahapon ng umaga.
Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Salik Macapantar, ang mga napatay na sina Munding Alay, Jennifer Agbay, at Khadaffy Aliudin.
Kabilang sa mga sugatan ay sina Julasiri Aliudin, Dirioh Martinez, Rene Parado, Ivan Peñalosa, Suwaib Angal, Graciano Martinez, Arsi Abdu, Julasiri Aliudin at si Dirioh Martinez
Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, na naganap ang pananambang sa mga kawani ng Tairan Beneficiary Cooperative sa kahabaan ng highway ng Sitio Pangasaan, Brgy. Tairan, Lantawan, Basilan.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa pagitan ng magkalabang angkan sa Brgy. Bagbagon at Tairan simula pa noong 1970. (Joy Cantos)