Lolo pisak sa truck

SANTA FE, Nueva Viz­caya, Philippines – Isang 93-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang masagasaan ng truck ng semento sa highway sa Barangay Bali­ling sa bayan ng Santa Fe, Nueva Vizcaya, kamaka­lawa ng umaga. Nakilala ang biktima na si Jose Cagungao ng Sitio Con­suelo sa nabanggit na ba­yan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na tumatawid ang biktima nang mahagip ng Isuzu truck (UEU 655) na mina­maneho ni Jimmy Gomez, 43, ng Echague, Isabela. Victor Martin

Show comments