8-anyos ni-rape slay

ISABEL, Leyte, Philippines – Inata­san na ni (ret. police gen) Mayor Sa­turnino Me­dina, ang pu­lisya na resolbahin at tugisin ang responsable sa panggaga­hasa at pagpatay sa isang 8-anyos na babae noong Lu­nes.

Ang bangkay ng bikti­mang si Mary Grace Lustre ng Sitio Lawis, Brgy. Sto. Niño ay na­tagpuang walang panty ha­bang na­katali ng mahaha­bang damo ang mga kamay nito sa loob ng aban­­dona­dong sabungan.

Una dito, inutusan ni Car­los Rota, tiyuhin ng biktima, na bumili ito ng toyo sa tinda­han pasado alas-8 ng gabi, subalit ilang oras na ang na­ka­lipas ay hindi pa buma­balik ang kanyang pamang­kin kung kaya’t humingi na ito ng tulong sa mga kapitbahay upang maghanap.

Ilang minuto pa ay na­tag­puan ang katawan ng biktima ng kanilang kapit­bahay na si Rolado Rojas, kaya agad na humingi ng tulong sa mga ki­nauukulan. Sa ngayon ay pa­tuloy na pinaghahanap at kini­kilala ng pulisya ang suspek sa kri­men. Roberto Dejon

Show comments