Bomber ng Al Khobar tiklo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Bumagsak sa bitag ng mga awtoridad ang isa sa tatlong bomb expert ng Al Khobar extortion gang sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Purok Bagong Silang sa Barangay Perez, Kida­pawan City, North Cotabato. Kinilala ni P/Supt. Chino Mamburam, hepe ng pulisya sa Kidapawan City PNP, ang suspek na si Manuel Jun Ibarra, alyas Jun Gue­varra at Abu Basir na sinasabing sangkot sa pam­bobomba sa public terminal sa bayan ng Midsayap noong Mayo 6, 2008 kung saan 8-sibilyan ang nasu­gatan. Si Guevarra ay inaresto sa bisa ng warrant of ar­ rest na inisyu ni Judge Lily Laguindanum ng Regional Trial Court Branch 24. Nabatid na isa sa mga lider ng nabanggit na grupo na ikinanta ni Guevarra ay si Musali “Dyanggo” Cado kung saan isa sa da­lawang preso na pumuga noong Enero 4, 2009 sa Ki­dapawan City Jail. Malu Manar at Joy Cantos

Show comments