Tiyahin ng Bb. Pili­pinas International itinumba

LEGAZPI CITY, Philippines — Na­pa­aga ang salubong ni ka­matayan laban sa negos­yanteng tiyahin ng Bb. Pili­pinas International maka­raang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Bu­ragwis sa Legazpi City, Al­bay kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Tachu­ling Hospital subalit idi­nekla­rang patay si Maridel Anto­nette Gonzales, 44, may-ari ng Chick and Inn Restaurant sa nabanggit na lungsod.

Si Gonzales na nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan ay sina­sabing tiyahin ni Melody Gersbach na nahirang bilang Binibining Pilipinas International 2009.

Sa ulat ni P/Supt. Ed­gardo Ardales, hepe ng pu­lisya sa Legazpi City, napag-alamang papasok na sana sa bahay ang biktima ban­dang alas-7:30 ng gabi sa Clarence Street sa Imperial Ridgeview Subdivision nang lapitan at ratratin ng ‘di-kila­lang lalaki na nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Nabatid din na kasama ng biktima ang kanyang pa­mang­king beauty queen sa motorcade sa Magayon Festival bago ito umuwi at ma­ka­salubong si kama­tayan.

Blangko pa rin ang pulis­ya sa motibo ng krimen habang patuloy naman ang follow-up operation. Dagdag ulat ni Joy Cantos

Show comments