Pulis nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   – Tinambangan at napatay ang isang 48-anyos na pulis sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa Barangay Nabangig sa bayan ng Palanas, Masbate.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si SPO1 Luis Jimenez Jr. ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Napag-alamang pasakay na ng kanyang motorsiklo ang biktimang patungo na sana sa himpilan ng pulisya mula sa pag-inspeksyon sa katayan ng baboy nang lapitan at ratratin. (Ed Casulla)


Show comments