Cell site at 4 na trak sinunog ng rebelde

MANILA, Philippines - Isang cell site ng Globe Telecommunications sa Barangay Cabadiangan, Sipalay City, Negros Occidental ang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army kamakalawa ng gabi. Umabot sa P1 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian. Apat na trak naman ng Tungsan Wood Industry ang hinarang at sinunog ng mga NPA sa Barangay Lumiad, Paquibato, Davao City kahapon ng madaling-araw. Hininalang pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng mga rebelde sa panununog. (Joy Cantos)

Show comments