Totoy nagulungan ng trak

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Hindi na umabot pa ang tatlong taong gulang na batang la­lake matapos masa­gasaan ng gulong ng isang truck ka­makalawa ng hapon sa Barangay Buyo, Virac, Catan­dua­nes.

Nakilala ang biktima na si Elbert Quintal, resi­dente ng naturang lugar.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Herman Mali­nana, 43, may asa­wa.

Nabatid na, bago naga­nap ang insidente, inia­atras ni Malinana ang trak papasok sa isang garahe nang bigla na lamang mag­sisisigaw ang ilang mga residente na unang na­kapansin na nasagasaan ang biktima.

Kaagad naman na isi­nu­god ng drayber ang bikti­mang sa pagamutan suba­lit hindi na ito umabot pa ng buhay doon. (Ed Casulla)

Show comments